Yung feeling...na... sana...AKO NAMAN








      

Yung feeling na.. sana ako naman... ako naman yung hindi kayang mawala... ako naman yung importante sa lahat, yung ako naman yung unahin, yung ako naman yung hintayin...
Yung hindi ko na kailangan maki usap o magmakaawang mahalin ako. Yung maalala kong respetuhin ang sarili ko... Yung tipong di ko na kailangan ipakita yung halaga ko kasi mahalaga talaga ako... Yung hindi ko na kailangan maramdaman na wala lang naman ako, hindi ako priority hindi ako mahalaga. Yung... kailangan ko pa bang ipag walang halaga yung sarili ko para pahalagahan ako. Sabi di ba no man is an island? Ano ba yung quote na yun eh parang sa sitwasyon ko kailamgan maging island na lang ako para di ko na kailanganin ng tulong at amor ng mga tao. Nagpapaka bait akong tao para ma appreciate ako, kaya lang ng dahil sa gusto ko lang na mahalin ako at ma appreciate ako nalilimutan ko self value. Sana mahalin ako ng isang tao na hindi ko na kailangan kalimutan ang self value ko, na hindi ko kailangan mag habol. No man is an island? Pero sa sitwasyon ko, kailangan ko na atang lumayo sa tao at mag isa na lang ako.. sana kaya.. at sana kung may tao pa na pahahalagahan ako sana huwag akong mabulag nang dahil sa sitwasyon kong ito.

Mga Komento

Kilalang Mga Post