Gutom na ko :(

Off ko ngayon pero as usual tumakas ako sa bahay, maraming beses na kada off ako nagsisinungaling ako :( pinaniniwala ko silang may trabaho ako ngayon pero wala naman. Pero ngayon lang ako nakonsensya sa pagsisinungaling ko eh na may pasok ako ngayon dahil kinailangan iwanan yung bunso kong pamangkin at umuwi ng pinsan ko kasi yung nanay ko hinang hina na ayaw magpa ospital :( yung nanay ko kasi pag nalaman niyang off ako ngayon hindi niya alam kung anong gagawin niya para sirain ang pagpapahinga ko, sirain ang araw ko, dapat mag away kami dapat magtalo kami, sawang sawa na ko sa ganitong buhay pagod na pagod na ko lagi na lang akong nakatali sayo, parati mo na lang sinasabing mamatay na siya (nanay ko) pero huwag ka lahat na ng artistang mas healthy at mas bata pa sakanya nauna pa namatay sakanya karamihan pa nga mas bata pa sakin eh pero mas nauna namatay sakanya... Pago na ko eh, suko na ko, pero heto pa din ako pinagpapatuloy ang dapat ipag patuloy. Kadaslasan iniisip ko hindi man lang ako nakapag enjoy ng walong taon ko dito sa America? :( simula kasi ng dumating ako dito...of course una pasyal pasyal kami madaming pictures pero sa mga pasyal na yun nag aalaga na nga ko ng bata :( inaaway pa ko ng nanay ko. Makita niya lang na tumatawa ako at ngumingiti gagawa siya ng paraan para mag away kami, pahiyain niya ko :( awayin niya ko, sa kalagitnaan ng pamamasyal namin na masaya sana at nakakagalak bigla na lang siyang bubulong sakin ng kung ano anong nakakagalit lagi siyang nagbubwisit kaya pati ako gusto niyang bwisitin limang taon tiniis ko pag aalipusta niya sakin, sa limang taong yun halos mabaliw ako kung di lang ako nananalangin nag nonobena ko at rosaryo sa sobrang wala ko mgawa tatlong beses sa isang araw nag nonobena ko. kung di pa ko nakapag trabaho sa frys wala eh, walang wala :( Maraming bese pinahiya niya ko sa mga taong kasama namin mamasyal :( basta may makausap siyang iba ganun na lang niya ko pahiyain. Di pa nga yan makuntento e aawayin niya ko tapos nun isusumbong niya pa ko sa pinsan ko at gustong gusto niyang naririnig na pinapagalitan ako ng pinsan ko, napaka sadista niya siguro kung pianlaki niya ko di malayo ilang beses ko din siyang nilayasan, or kung hindi naman ilang beses din ako nagpakamatay or yung pinakanakakatakot dala ng galit sa dibdib at puso yung tinanatawag nilang "mass shooter" iniimagine ko nga e baka nakaposas na mga paa at kamay ko tapos may mga escort akong mga pulis sa tabi ko :( kung baril lang ako siguro di ako magdadalawang isip na itutok ang baril sa sentido ko para matapos na lahat kasi parang kamatayan na lang naiisip ko nun para hindi ko na makasama ang nanay ko para huwag na kaming magkita. yung utak ko, yung puso ko pinuno ng galit ng nanay ko ang hirap labanan ng depression... Buti nalang nagkatrabaho ako bilang cashier sa fry's madaming tao, natutunan ko na mag english ng diretcho at maging kampante magsalita ng Ingles nung una kasi naiilang ako at ayaw ko magsalita ng ingles kadalasan 6-8 hours ang shift ko npapagod ako magsalita dahil 6-8 hours akong hing magtatagalog pero ngayon okay na :) Sana, dumating na ang panahon na ako naman maging masaya at mag enjoy, magpahinga mag relax, magka pamilya :) sana mangyari pa yun. parang wala na kasing katapusan itong pait nag buhay ko :( sa loob ng limang taon na binuhos sakin ng nanay ko lahat ng galit niya, pagka bigo niya nagpapasalamat ako nakuha ko pa din na maging matino ako :) muntik na kasi akong mabaliw haaayyyy... grabe :(

Mga Komento

Kilalang Mga Post